Naglabas na rin ng manipesto ang mga lider estudyante ng Philippine College of Criminology (PCCR) para kondenahin ang insidente ng hazing na itinuturong dahilan ng pagkamatay ng 4th year Criminology student na si Ahldryn Bravante.
Nasa 31 kapwa mag-aaral at opisyal ng PCCR Student Council kasama ang mga lider ng student organization ang lumagda sa manipesto ng pakikiisa sa pagluluksa ng pamilya Bravante at kanilang komunidad.
Ipinaabot ng mga mag-aaral ang pakikiisa nila sa hangad ng PCCR na mabigyang hustisya ang nangyari kay Bravante.
Nanawagan rin sila sa mga otoridad para sa mabilis na imbestigasyon kasabay ng paghingi ng panalangin para sa yumaong kapwa-estudyante at kanyang mga naulila.
Hinamon rin nila ang mga miyembro ng fraternity na lumabas at sumama sa hayagang pagtuligsa sa mga mga kasapi nila na kumukunsinti, nagsusulong at patuloy pa rin nagtutulak sa pagkakaroon ng hazing.