*Cauayan City, Isabela*- Binigyan ng natatanging pagkilala nang Department of Interior and Local Government (DILG) Isabela ang mga lokal na opisyal at ibat-ibang organisasyon sa buong lalawigan.
Ayon kay Engr. Corazon Toribio, Provincial Director ng DILG-Isabela, ginawaran ang mga ito dahil sa kanilang pagsunod sa mandato ng Pamahalaan at Paglilingkod sa Bayan ng tapat.
Hinirang naman sa Local Legislative Agenda bilang national awardees 2018 ang Santiago City at San Mariano habang ngayon 2019 ang City of Ilagan at Naguillan ang hinirang na National Finalist habang sa City category ay nakuha ng CDRRMC Ilagan ang natatanging pagkilala at pawang iginawad naman kay Mayor Josemarie Diaz ang Most Outstanding Project Prepare-ready 24/7.
Samantala,1st-3rd Class Municipality Category ay iginawad sa MDRRMC Echague at Roxas ang parangal habang kinilala din si Mayor Francis ‘Kiko’ Dy bilang ‘Most Outstanding Mayor’ habang sa 4th-6th Class Municipality Category ang bayan ng Delfin Albano at Quezon ang nakakuha ng parangal sa kategorya ng pagiging handa sa sakuna (MDRRMC) habang kinilala din bilang Regional INSPIRE 2018 Best Implementer sina Mayor Roberto Lungan ng Benito Soliven, Mayor Edgar Go ng San Mariano at Mayor Gregorio Pua ng San Mateo.
Tinanggap naman ng Bayan ng Angadanan ang pagiging National Knowledge Forum Finalist na pinangunahan ni Mayor Joelle Mathea Panganiban at ilang opisyal ng barangay maging ang iba pang lingkod bayan at naiuwi ang pagkilala sa ibat-ibang kategorya.
Samantala, naging sentro naman ng usapin si Mayor Diaz ng City of Ilagan dahil sa kanyang nakuhang grado na 100% road clearing compliance award na kailangang mapanatili nito sa pangalawang ebalwasyon ng DILG.