Mga litrato at video ni Pangulong Duterte na naglalaro ng golf kagabi, ibinahagi ni Senator Bong Go

314

Ibinahagi ni Senator Bong Go ang mga litrato at video ni Pangulong Rodrigo Duterte na naglalaro ng golf kagabi.

Sa caption ng post, sinabi ng Senador na “abangan nyo ang pagbabalik ni Digong bukas.”


Kasunod nito, iginiit ni Go na nagpapapawis lamang ang Pangulo dahil bawal pa rin lumabas ngayong ipinatutupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Sa ngayon ay nananatili sa Malacañang ang Pangulo kung saan sakop ito ng umiiral na ECQ dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Matatandaang noong Biyernes ay ibinahagi rin ni Go ang mga litrato kung saan nagjo-jogging at nakasakay naman sa motor ang Pangulo.

Facebook Comments