Asahan na mas magiging agresibo pa ang mga magsasaka na palaguin ang produksyon ng palay sa bansa.
Itoy matapos ilunsad ng Go Negosyo St at ng isang Agritech Corporation ang Masaganang Ani 300 at Support Filipino Farmers.
Layon ng Masaganang Ani 300 na kilalanin ang mga farmers na makapag ani ng palay ng 300 kaban o katumbas ng 15 metric tons o higit pa sa isang ektaryang lupain ngayong cropping year gamit ang hybrid rice varieties ng St. Agritech Corporation.
Lahat ng mga magsasaka na makakatugon nito ay makakatanggap ng trophy at cash prizes na i-aaward tuwing katapusan ng ikalawang quarter ng taon.
Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte, SLAC Chairman at CEO Henry Lim Bon Liong. at Presidential adviser for Entrepreneurship and Go Negosyo founder Joey Concepcion ang mag aaward nito sa Malcanang.
Samantala ,ang support Filipino Farmers ay isang kampanya na umaasang masuportahan ang mga local farmers sa pamamagitan ng paghimok sa mga consumers na tangkilikin ang mga local produced goods lalo na ng bigas.