Mga Local na Mamamahayag, Kinilala ng Isabela PPO!

*Ilagan City, Isabela- *Kinilala ng pamunuan ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) sa pangunguna ni Provincial Director PSSupt. Mariano Rodriguez ang mga local na mamamahayag sa Lalalawigan ng Isabela.

Sa isinagawang pulong balitaan kahapon sa Conference room ng IPPO, pinasalamatan ni PSSupt Rodriguez ang mga dumalong mamamahayag mula sa iba’t-ibang istasyon at pahayagan.

Nagkaroon ng eleksyon para sa bagong set officers ng IPPO Press corp. at nakatakdang mabigyan ang mga ito ng opisina na kanilang gagamitin para sa mas komportable at organisadong pagbibigay ng impormasyon sa mamamayan.


Aniya, malaki ang tulong ng presensiya ng media sa hanay ng PNP para sa mabilis na paghahatid ng impormasyon sa publiko at pakikipagtulungan na maipalaganap ang kanilang programa at serbisyo sa bayan.

Inihayag pa ni PSSupt Rodriguez na bukas lamang ang kanilang kaisipan sa anumang suhestiyon mula sa mga local na media para sa ikagaganda ng kanilang serbisyo sa taong bayan.

Hiniling naman nito sa mga mamamahayag ng Isabela ang patuloy na suporta sa hanay ng PNP upang mas lalong magkaroon ng magandang ugnayan sa pagpapakalat ng impormasyon at paghahatid ng mga aktibidades ng kapulisan.

Facebook Comments