Mga Local Officials na mamomolitika nitong krisis na dulot ng COVID-19, mahaharap sa dalawang buwang pagkakulong at 1 million na multa

Mahaharap sa parusa ang mga Local Officials na namomolitika nitong krisis na dulot ng COVID-19.

Ito ang nilinaw ni Department of Interior and Local Government Regional Director Arnel Agabe.

Ayun kay Agabe, maaaring makulong sa loob ng dalawang buwan at hindi bababa sa 1 million pesos na multa ang mga Local Officials na nanghihingi ng voters ID sa kanilang mga residente tuwing mamimigay sila ng relief goods.


Ang naturang direktiba ay naaayon sa sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año, na dapat   sundin ng mga Local Officials ang National Policy na Bayanihan.

Facebook Comments