Binalaan ng Department of Health (DOH) ang mga lokal na pamahalaan na magpapabaya sa mass gatherings ng kanilang constituents.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nakasaad sa joint memo circular ng Department of Justice (DOJ), Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) na inaatasan ang mga lokal na pamahalaan na paigtingin ang pagpapatupad ng health protocols.
Kabilang dito ang pagpigil sa mga malalaking pagtitipon, hanggang sa pagpapatupad ng pagsusuot ng face mask at face shield, physical distancing at curfew.
Nagbabala si Vergeire na ang mga lokal na opisyal na mabibigong tumalima sa naka-atang sa kanilang mandato ay mahaharap sa sanction o parusa.
Muli namang nagpaalala si Vergeire sa publiko na manatili na lamang sa bahay kung walang gagawin sa labas para hindi ma-infect ng COVID-19.