Patuloy ang pamamahagi ng libreng inuming tubig ng mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila sa gitna pa rin ng matinding init ng panahon dahil sa El Niño.
Una rito, pinaalalahanan nila ang publiko na ugaliin na laging uminom upang maibsan ang damang init sa mga kakalsadahan.
Sa Southern part ng Metro Manila, naglunsad ang ilang lungsod ng “libreng tubig inumin caravan” kung saan sisimulan ang pamamahagi ng tubig mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon.
Bukod pa rito, may tube ice rin na nakahanda para naman sa mga nais uminom ng malamig na tubig, partikular na sa lugar kung saan nakapwesto ang mga namamahagi nito.
Samantala, nakahanda rin ang libreng blood pressure upang matiyak naman na ligtas ang mga bumaybay na mga residente sa mga lugar lalo na ‘yung mga papasok ng trabaho at may mga edad na dahil sa banta pa rin ng naitatalang heat index sa buong Pilipinas.