MGA LOKAL NA PRODUKTO NG QUIRINO, IBINIDA SA WORLD TRADE CENTER

Nakiisa ang Department of Agriculture-Agribusiness and Marketing Assistance Service (DA-AMAS) sa nagpapatuloy na Manila Food Beverages Expo (MAFBEX) 2022 na isinasagawa sa World Trade Center, Pasay City.

Nagsimula kahapon ang aktibidad at magtatapos sa ika-19 labing siyam ng Hunyo kung saan tampok ang mga Young Entrepreneurs and Farmers at kanilang mga produkto mula sa bawat Rehiyon ng bansa.

Kaisa sa MAFBEX 2022 ang Region 02 Young Farmers Club, Inc. sa pangunguna ni Ginoong Marlon Balunsat, Vice-President ng nasabing samahan kung saan itinatampok nila ang Barako Coffee, Cacao Tablea, Cacao Tea and Black Rice Coffee.

Samantala, ibinibida naman ng Quirino Young Entrepreneurs Association (QYEA) sa pangunguna ni Ginoong Nur Agustin, Manager ng QYEA ang mga lokal na produkto ng Quirino gaya ng Guyabano Wine, Bignay Wine, Ardisia Wine, Banana Soya Bread, Butterscotch Caramel Bars, Enhanced Nutriban, Nutrichips, Ube powder and Soya powder. Ilan sa mga produktong nabanggit ay rehistrado na sa Food and Drug Administration-License to Operate.

Patuloy naman na hinihikayat ng ahensya na suportahan ang mga kabataang negosyante at magsasaka sa pamamagitan ng pagtangkilik sa mga lokal na produktong kanilang itinatampok mula sa lugar na kanilang pinagmulan.
Tags; Quirino Province, local products,



Facebook Comments