Mga lokasyon ng libreng sakay para sa health care workers at medical frontliners, makikita na live online

45

Agad nang malalaman ng frontliners kung may paparating na masasakyang bus patungo sa kanilang workplaces.


Ito’y sa dahilang makikita na ‘live online’ ang eksaktong lokasyon ng mga bumibiyaheng buses sa ilalim ng Free Ride for Health Workers Program sa NCR-Greater Manila Area.

Sa abiso ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), maaari lamang na I-click ang link ng kanilang ruta sa https://bit.ly/DOTrS_Line1_GPS upang makita ang live location ng mga bus unit.

Sa kasalukuyan, mayroong 110 bus units sa kabuuang bilang na 150 buses ang nakabitan na ng GPS location tracker devices.

Inaasahang madaragdagan pa ang bilang ng mga bus na makakabitan ng GPS tracker devices sa mga susunod na araw.

Facebook Comments