Mga loose firearm muli na namang nasamsam ng mga awtoridad sa Maguindanao!

Kaugnay ng walang humpay na kampanya laban sa loose firearms ng militar at kapulisan sa lalawigan ng Maguindanao, ang joint forces ng Datu Piang Municipal Police Station at tropa ng 2nd Mechanized Infantry Battalion ng Philippine Army ay naka-recover ng low-powered firearm sa ikinasang law enforcement support operation noong Sabado sa Brgy Buayan, Datu Piang, Maguindanao.

Kabilang sa mga nasamsam ng militar at kapulisan ay isang Ingram na may magazine, dalawang Bandoleers para sa M16 at dalawang Bandoleers para sa Garand rifle na itinago sa madamong lugar.

Ilang loose firearm din ang nasamsan kahapon, araw ng Linggo kung saan naaresto rin ang isang Alimundin Sangcopan sa Brgy Labu-Labu, Shariff Aguak, Maguindanao.


Ang 6ID ay tuloy-tuloy na susuporta sa PNP at iba pang ahensya partikular sa law enforcement operation ayon kay Major General Arnel Dela Vega.

Sinabi rin nito na pinapurihan ng 6ID ang mga tropa na involved sa matagumpay na mga operasyon, kinikilala ng opisyla ang suporta ng komumidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon.

Facebook Comments