Umapela si Kabayan Partylist Rep. Ron Salo kay Pangulong Duterte na magdeklara na ng ‘state of emergency’ sa mga lugar na apektado ng El Niño.
Nanawagan si Salo na ideklara na ang ‘State of Emergency’ sa mga lalawigan na ‘severely affected’ ng El Niño phenomenon.
Ito ay para maihatid na agad ang tulong na kinakailangan para sa mga magsasaka, mga pamilya at sa mga nasirang pananim dahil sa matinding tagtuyot.
Inirekomenda ng mambabatas na gamitin na ang $500 Million disaster relief fund ng World Bank na ayon sa Department of Finance ay maaaring gamitin kung kinakailangan.
Humiling din ito sa Commission on Elections na i-exempt sa anumang limitasyon na may kinalaman sa paghahanda sa nalalapit na halalan ang mga lugar na apektado ng El Nino para sa madaling paghahatid ng tulong.