Mga lugar na isinailalim sa granular lockdown, umabot na sa 206

Umabot na sa 206 ang mga lugar na isinailalim sa granular lockdown.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), itinaas ang bilang ng nga lugar na naka-granular lockdown dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Batay sa datos ng PNP, 103 lugar na nasa ilalim ng granular lockdown ay mula sa National Capital Region; 57 sa Cagayan; 32 sa Calabarzon; lima sa Mimaropa; at isa naman sa Cordillera.


Samantala, nagpakalat na ang PNP ng 291 pulis at 326 force multipliers sa mga naka-lock down na lugar para matiyak na nasususnod ang minimum health standards ng mga residente.

Facebook Comments