BBM-Sara UniTeam, tuloy-tuloy pa rin ang pagbibigay ng tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Odette

218

Tuloy-tuloy ang BBM-Sara UniTeam para matugunan ang mga pangangailangan ng ating mga kababayan na nasalanta ng Bagyong Odette sa Visayas at Mindanao.

Ayon kina presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., at vice presidential bet Sara Duterte, isa sa pinaka-prayoridad na dapat gawin sa mga apektadong mga lugar ay ang pamamahagi ng mga kailangang gamot at bitamina para sa mga may sakit.

Anila, mahalaga na mabigyan din ng kaukulang pansin ang kalusugan ng mga biktima ng bagyo lalo na ang mga senior citizen, mga bata at mga sumasailalim sa mga maintenance medication at iba pang nangangailangan ng mga gamot sa mga sakit gaya ng ubo, sipon at lagnat.


Sa kasalukuyan, may mga tulong na silang natanggap mula sa mga medical supplies company at patuloy silang mangangalap ng iba pang tulong medikal para matugunan ng sapat ang mga nangangailangan sa mga biktima ng bagyo.

Facebook Comments