Mga lugar na isinailalim sa special concern lockdown sa QC, umakyat na sa dalawampu’t walo

Umabot na sa dalawampu’t walo ang mga lugar sa Quezon City na isinailalim sa special concern lockdown dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Ayon kay Mayor Joy Belmonte, lumobo sa 3,812 ang active cases sa lungsod sa nakalipas na dalawang linggo.

Karamihan sa may mga matataas na kaso ng COVID-19 ay pawang nasa workplace.


Pumalo sa 13% ang positivity rate habang nasa 2.18 ang reproduction number ng virus mas mataas kung ikukumpara sa kabuuang kaso sa National Capital Region (NCR).

Sa bilang na 28 lugar, dalawampu rito ang may mataas na daily active cases.

Ayon pa kay Belmonte, mabilis din ang pagkalat ng UK variant kung saan nakapagtala na sila ng 13 kaso habang 4 na kaso naman ang South African variant.

Dahil sa mabilis na pagdami ng kaso ng COVID-19 sa QC, nasa 78% na ngayon ang ICU beds ng mga hospital, 68% ang isolation bed at 77% ang COVID ward.

Facebook Comments