Mga lugar na isinailalim sa state of calamity dahil sa bagyong Goring, nadagdagan pa

Umabot na sa 6 ang mga lugar sa Western Visayas na isinailalim sa state of calamity dahil sa epekto ng bagyong Goring, batay ito sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Kabilang sa nadagdag ay ang Bacolod at Bago sa Negros Occidental.

Nauna nang isinailalim sa state of calamity ang Pototan at Leganes sa Iloilo; Sibalom sa Antique; at San Enrique sa Negros Occidental.


Tinatayang 102,508 pamilya o 380,851 indibidwal ang naapektuhan ng bagyo mula sa 1,113 na mga barangay sa Western Visayas.

Dahil dito, inaasahan na magagamit na ng lokal na pamahalaan ang calamity fund upang matugunan ang kanilang pangangailangan partikular sa pagbibigay ng tulong sa mga apektadong residente.

Facebook Comments