RMN Foundation Incorporated, nagpasalamat sa publiko sa kanilang ika-11 taon sa pagbibigay serbisyo

Taos pusong nagpasalamat ang RMN Foundation Inc., sa lahat ng mga naging katuwang sa pagbibigay serbisyo sa publiko sa loob ng 11- years kasabay ng anibersaryo nito ngayong araw.

 

Nagyong araw ay isinasagawa ang taunang dugtong buhay o blood donations katuwang ang Philippine Red Cross (PRC).

This slideshow requires JavaScript.


Ayon kay Mr. Patrick Aurelio, ang Corporate Social Responsibility (CSR) Officer ng RMN Foundation Inc., isang karangalan ang magsilbi sa publiko dahil dito naman talaga nakatutok ang Radio Mindanao Network, hindi lamang maghatid balita kundi makatulong din sa mga nangangailangan.

Matatandaan na ilang lugar sa bansa ang pinuntahan ng RMN Foundation Inc., at PRC gaya ng Cavite, Bulacan, Metro Manila, at Bicol at target na mapuntahan ang Isabela para maghatid ng tulong.

Facebook Comments