Mga lugar na makararanas ng power interruption ngayong araw, alamin!

Asahan na ang kawalan ng supply ng kuryente sa Tala, Caloocan City sa pagitan ng alas-9 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon.

Apektado nito ang Mulawin Street mula Makabud Street hanggang Alibangbang Street kasama ang Kupang, Bignay at Anapla Street sa Barangay Amparo Subdivision.

Ito ay dahil sa line reconductoring works at upgrading ng facilities sa Mulawin Street.


Mawawalan rin ng supply ng kuryente sa Diliman, Quezon City sa pagitan ng alas-9 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon.

Apektado nito ang Gomburza Street mula A. Mabini Street kasama ang Juan Luna, Aguinaldo at G. Apacible Street gayundin ang Pook Polaris sa Barangay U. P. Campus.

Bunsod ito ng installation ng facilities sa Pook Polaris.

Makakaranas rin ng power interruption sa Bustos, Bulacan sa pagitan ng alas-9 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon.

Apektado nito ang Narra Street mula Christian World Ministry Chapel hanggang Acacia at Ipil–Ipil Street sa Barangay Malawak.

Dahil ito sa line reconductoring work at installation ng dagdag na lightning protection devices sa nasabing barangay.

Mawawalan rin ng kuryente sa Liliw; Nagcarlan; Rizal; Magdalena; San Pablo City at Majayjay sa Laguna sa pagitan ng alas-9 ng gabi hanggang alas-10 ng gabi ng March 19 at sa pagitan ng alas-6 hanggang alas-7 ng umaga ng March 20.

Apektado nito ang Majayjay–Liliw Municipal Road mula Meralco–Botocan substation hanggang bayan ng Liliw, Nagcarlan, Rizal at Magdalena; Barangay Bukal, Coralao, Ibabang Banga, Ilayang Banga, Malinao, May-It, Munting Kawayan, Olla, Oobi, Pangil, Panglan, San Isidro, Sta. Catalina, Suba at Talortor sa Barangay Majayjay; Barangay San Antonio I, Sta. Maria Magdalena at Sto. Angel sa San Pablo City.

Ito ay dahil sa installation ng facilities sa loob ng Meralco-Botocan substation.

Asahan rin ang power interruption sa Calauan, Laguna sa pagitan ng alas-10 ng umaga hanggang alas-1 ng hapon.

Apektado nito ang Mahabang Parang Road mula Sitio Tamlong hanggang Bungahan Street sa Barangay Limao.

Bunsod ito ng replacement ng poste at line reconductoring works sa Mahabang Parang Road.

Mawawalan rin ng kuryente sa Biñan, Laguna sa pagitan ng alas-9 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon.

Apektado nito ang Verdana Homes Subdivision sa Barangay Loma at Langkiwa.

Gayundin ang East Main Avenue extension mula Nuvali Road hanggang North Science Avenue Barangay Malamig, Chrysanthemum Street mula Alta Homes sa Barangay Timbao sa Barangay Loma.

Dahil ito sa relocation ng facilities na apektado ng DPWH Calax project sa Nuvali Road.

Mayroon ring power interruption sa Antipolo City, Rizal sa pagitan ng alas-10 hanggang ala-3 ng hapon.

Apektado nito ang Pantay Road sa Sitio Pantay Barangay San Jose.

Ito ay dahil sa line reconductoring works sa Pantay Road.

Facebook Comments