Mga lugar na may higit 3,000 COVID-19 active cases, prayoridad na mabigyan ng bakuna

Tiniyak ng pamahalaan na prayoridad na mabigyan ng COVID-19 vaccine ang mga lugar na mayroong higit 3,000 aktibong kaso.

Kasunod ito ng apela ng Iloilo City na mapabilang ang kanilang lugar sa mga priority list ng mga makatatanggap ng bakuna.

Ayon kay Vaccine Czar at National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr., target din nilang unahin ang mga syudad dahil ito ang sentro ng ekonomiya.


Kabilang din sa kanilang priority list ang mga essential workers, at mga government officials.

Facebook Comments