Mga lugar na may pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19, binabantayan ng DOH

Binabantayan ng Department of Health (DOH) ang ilang mga lugar sa bansa matapos makitaan ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.

Ayon kay DOH USec. Maria Rosario Vergeire, kabilang sa mga lugar na ito ay ang Basilan at Batanes matapos makapagtala ng mataas na growth rate rito.

Sa kabila nito ay sinabi ni Vergeire na bahagya lamang ang pagtaas ng mga kaso ng virus at hindi nagbago ang Average Daily Attack Rate (ADAR) sa mga naturang lugar .


Samantala, nasa minimal risk naman sa COVID-19 ang lahat ng mga rehiyon sa bansa na may ADAR lamang na mas mababa sa 1.

Facebook Comments