Mga lugar na mayroong aktibong kaso ng African Swine Fever, patuloy na bumababa – DA

58

Aabot na lamang sa limang probinsya mula sa tatlong rehiyon sa bansa ang mayroong aktibong kaso ng African Swine Fever (ASF).

Ayon kay Department of Agriculture (DA) Sec. Willian Dar, bumaba na sa 83 mula sa 3,283 na mga barangay ang may kaso ng ASF.

Gayunman, hindi na sinabi ng kalihim kung saang mga lugar ito.


Iginiit naman ni Dar na gaya sa COVID-19, posibleng kumalat muli ang ASF kung hindi susundin ang mga hog raiser health at quarantine protocols.

Facebook Comments