Mga LGU sa mga probinsya, humirit ng mas malawak na kapangyarihan kaugnay ng COVID-19 Alert Levels

51

Nais ng mga Local Government Units (LGU) na magkaroon ng karapatang magtalaga ng Alert Levels at health protocols sa kanilang lokalidad.

Ayon kay League of Provinces of the Philippines (LPP) President at Marinduque Governor Presbitero Velasco Jr., ang mga LGU ay dapat na kinokonsulta sa alert level na tutugma sa kanilang nasasakupan.

Aniya, hiling lamang ng mga LGU na mabigyan sila ng malawakang awtoridad sa pagsasagawa ng mga panukala sa kanilang lugar.


Matatandaang umapela ang LPP sa Inter-Agency Task Force (IATF) na iurong sa Nobyembre 1 ang pagpapatupad ng pinalawig na Alert Level System sa mga lugar na nasa labas ng Metro Manila.

Facebook Comments