Nilinaw ng pamunuan ng Government Service Insurance Service (GSIS) na tanging ang mga lugar na idineklarang state of emergency ang maaaring mag-avail ng calamity fund pero kung sakaling hindi apektado ang kanilang lugar ay pwede naman silang mag-apply ng multi-purpose loan, educational at iba pang mga loan.
Sa ginanap na press conference sa GSIS, sinabi ni President and General Manager Wick Veloso na tatlong araw lamang ang proseso ng mga nais na mag-avail ng loan ng calamity loan na lubhang naapektuhan ng lindol.
Paliwanag pa ni Veloso na ang pinakababa na kwalipikadong miyembro na gustong mag-loan ay maximum ₱20,000 kung sila’y bago pa lamang na maglo-loan sa ahensiya.
Maaari umano silang magtungo sa kanilang portable kiosk na naka-standby na sa mga lugar na naapektuhan ng lindol kung saan nagpadala na rin sila ng mga karagdagang personnel pupunta sa area.
Nagsisimula na ring mag-deploy ang GSIS ng portable kiosk sa La Union, Laoag, Dagupan at iba pang mga lugar na naapektuhan ng lindol.