Umabot na sa 844 ang lugar na naka-granular lockdown sa bansa.
Ayon sa datos ng Philippine National Police (PNP), 233 sa mga lugar na ito ay mula sa National Capital Region (NCR); habang 210 naman sa Cordillera; 203 sa Cagayan; 165 sa Ilocos; 18 sa MIMAROPA; at 15 sa Western Visayas.
Nabatid din na nasa 2,083 na indibidwal ang apektado ng mga granular lockdown.
Kasunod nito ay nagtalaga na ng 297 tauhan ang PNP at 550 force multiplier upang matiyak ang seguridad at pagsunod sa protocol sa mga lugar na naka-lockdown.
Ang granular lockdown ay magsisilbing micro-level COVID-19 quarantine para sa mga lugar na itinuturing na “critical zone” sa mga Local Government Unit (LGU).
Tanging ang mga LGU lamang ang makakapagsabi kung kailan aalisin ang lockdown sa isang lugar.