Umakyat pa ang bilang ng mga lugar sa Quezon City na isinailalim sa Special Concern Lockdown dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Sa pinakahuling datos ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit, nasa 45 lugar ang kasalukuyang mino-monitor dahil sa pagsipa ng kaso ng COVID-19 sa nakalipas na dalawang linggo.
Ngunit nilinaw ng QC Local Government Unit (LGU) na hindi buong barangay ang naka-lockdown kundi mga komunidad lamang at kalye.
Agad namang nagpadala ng relief goods ang QC LGU sa mga naapektuhan na lugar.
Bukod sa food packs, mayroong essential kits ang bawat pamilya at isasalang naman ang mga ito sa contact tracing at malawakang swab test.
Facebook Comments