Umabot na sa 24 na bayan at apat na lungsod sa buong bansa ang isinailalim sa kontrol ng Commission on Elections.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) spokesperson Police Col. Jean Fajardo, may mga lugar kasi na na-upgrade mula sa red category partikular ang ilang areas of concern sa Bangsamoro Region.
Dahil dito, nabawasan din ang mga lugar na nasa red category na ngayon ay nasa 102 bayan at 14 na lungsod na lang.
Ilan sa tinukoy na mga lugar na nasa Comelec control ay ang mga bayan ng Buluan, Datu Odin Sinsuat, Datu Piang, Mangudadatu, Pandag, Sultan Kudarat sa Maguindanao; mga bayan ng Maguing, Malabang, Tuburan at lungsod ng Marawi Sa Lanao del Sur; Misamis Occidental; at Pilar, Abra.
Isinasailalim ang isang lugar sa Comelec control kapag may history ito ng matinding political rivalry, nagkaroon ng election-related violence at may seryosong banta ng private armed group.