Mga lugar na nasa granular lockdown, bumaba na sa 117

Bumaba na sa 117 mula sa 121 ang bilang ng mga lugar na nasa ilalim ng granular lockdown sa Metro Manila.

Batay sa Philippine National Police (PNP), ang mga lugar na naka-granular lockdown ay mula sa 78 mga barangay sa Metro Manila.

Kabilang na rito ang 67 na kabahayan, 25 subdivision, 15 residential building, limang residential floor building, at limang kalsada.


Nananatili namang nakabantay ang 363 PNP personnel at 410 force multipliers sa mga lugar naka-lockdown para siguruhing naipapatutupad ang COVID-19 safety protocols.

Facebook Comments