Mga lugar na nasa granular lockdown, muling tumaas sa 853

Muling tumaas sa 853 ang bilang ng mga lugar na isinailalim sa granular lockdown mula sa dating 566.

Sa nasabing bilang, 338 na lugar sa Cordillera ang naka-granular lockdown, 316 sa Ilocos, 137 sa Cagayan, 29 sa Mimaropa, 17 sa National Capital Region (NCR), at 16 sa Zamboanga.

Batay sa Philippine National Police (PNP), 2,289 na indibidwal ang naapektuhan ng nasabing restriksyon.


Nasa 316 personnel at 1,117 force multipliers naman ang pinakalat ng PNP sa mga naka-granular lockdown na lugar para masigurong nasusunod ang mga restriksyon.

Facebook Comments