Carla Abellana at Tom Rodriguez, hiwalay na nga ba matapos ang tatlong buwang pagsasama bilang mag-asawa?

1608

Maugong ngayon sa social media ang balitang on-the-rocks ang pagsasama nina Carla Abellana at Tom Rodriguez.

Nagsimula ang mga espekulasyon sa kanilang hiwalayan matapos i-unfollow ng mag-asawa ang kanilang Instagram account ngunit kalaunan ay naka-follow na ulit sila sa isa’t-isa.

Maliban dito ay maraming marites din ang nakapansin na maging ang kanilang wedding photos ay burado na rin.


Itinuturong dahilan umano ay ang pagseselos ng aktres sa isang kapwa aktres na malapit ngayon sa kanyang mister.

Lalo pang tumindi ang haka-haka matapos magpost ng isang cryptic video si Tom sa kanyang IG account.

Dasal ng kanilang mga fans na sana’y karaniwan lang ang namamagitang problema sa dalawa.



Sa ngayong ay wala pang say ang mag-asawa tungkol sa kumakalat na isyu.

Matatandaang ikinasal sila Carla at Tom noong October 2021 sa Tagaytay City.


Bago ang kanilang pag-iisang-dibdib, pitong taon ding naging magnobyo sina Carla at Tom at kung totoo ngang meron silang kinakaharap na marital problem ay mahigit tatlong buwan pa lang silang kasal.

Facebook Comments