Mga lugar na nasa ilalim ng granular lockdown, aabot pa sa higit 1,000 – PNP

Aabot pa sa 1,036 lugar sa bansa ang nasa ilalim ng granular lockdowns dahil sa COVID-19.

Mas mataas ito kumpara sa 853 na lugar na naka-granular lockdown noong Huwebes.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), 404 dito ang nagmula sa Cordillera Administrative Region (CAR), 252 sa Ilocos Region, 173 sa CALABARZON at 152 sa Cagayan Valley.


Samantala, 14 naman na lugar dito sa kalakhang Maynila ang nasa ilalim din ng granular lockdowns.

Sinabi pa ng PNP na nasa 596 na tauhan nila ang naka-deploy sa mga apektadong lugar upang matiyak na nasusunod ang minimum health standards.

Facebook Comments