Department of Health, nakapagtala pa kahapon ng higit 16,000 bagong kaso ng COVID-19

Pumalo na sa 3,545,680 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ito ay makaraang makapagtala pa kagabi ang Department of Health (DOH) ng 16,953 na karagdagang kaso ng COVID-19.

Samantala, 202,864 sa mga kaso ang nananatiling aktibo habang 27,638 ang panibagong gumaling kung kaya’t umakyat na rin sa 3,288,925 ang total COVID-19 recoveries.


Habang 53,891 na ang bilang ng mga nasawi matapos makapagtala pa ng 20 pumanaw.

Ayon sa DOH, isa lamang ang laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos kahapon sa kanilang COVID-19 Document Repository System.

Facebook Comments