Mga lugar na nasa ilalim ng granular lockdown, limitado na lang sa siyam na lungsod at munisipalidad ayon sa DILG

Limitado na lamang sa siyam na lungsod at munisipalidad ang may mga lugar na nasa ilalim ng granular lockdown.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, ngayong tuluy-tuloy na ang pagbaba ng mga COVID-19 cases at limitado na ang mga granular lockdown, dapat nang gamitin ng Local Government Units (LGUs) ang pagdaragdag ng mobility upang palakasin pa ang vaccination efforts.

Aniya, bagama’t maganda ang kinalabasan ng unang linggo ng pagpapatupad ng Alert Level 1 sa National Capital Region, hindi dapat magpaka kampante.


Sa ngayon aniya ay kailangang higit pang dagdagan ang vaccination coverage ng bansa upang matiyak na karamihan ng populasyon ay mapuprotektahan laban sa malalang COVID-19 infections.

Facebook Comments