Mahigit isang libong PDL sa Quezon City jail, nabakunahan ng vaccine kontra COVID-19

Aabot sa isang libong Persons Deprived of Liberty (PDL) ang naturukan ng vaccine kontra COVID-19 sa Quezon City jail.

Ayon kay Jail Supt. Michelle Ng-Bonto warden ng QC jail, abot sa 903 na PDL ang naturukan ng booster shot ng AstraZeneca.

Habang 290 na bagong pasok na PDL ang nabakunahan ng Janssen COVID-19 vaccine.


Bawat PDL na binakunahan ay binigyan ng hygiene kits.

Ayon pa kay Bonto, sa ngayon ay nasa 93.68 percent na mula sa mahigit 3,513 na PDL ang bakunado na.

Ipinagmamalaki rin ng Jail warden na sa ngayon, 0 case sa COVID-19 ang kanilang jail facility.

Facebook Comments