Mga lugar na nasa loob ng bubble, pinayuhan ng DILG na ipagpaliban ang mga non-essential travel

Pinayuhan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga residente sa National Capital Region (NCR), Bulacan, Laguna, Cavite at Rizal na ipagpaliban muna ang mga non-essential travel sa loob ng dalawang linggo.

Binabawalan ang mga ito na pumasok kahit na sa mga lugar na nasa loob ng bubble area upang mapigilan ang mga kaso ng hawaan ng COVID-19.

Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, tanging mga Authorized Persons Outside of Residence o APORs, mga essential workers, frontliners, humanitarian workers at government workers ang exempted sa travel ban.


Ani Malaya, bagama’t malaking sakripisyo ito sa mga may naunang plano para bumisita sa mga kamag-anak at kaibigan sa Holy Week, mapipigilan ang superspreader sa buong bansa.

Kung hindi aniya mapigilan ang pagkalat ng impeksyon ay mabibilaukan ang health system ng bansa.

Facebook Comments