PCSO, nakiisa sa pagdiriwang ng 2021 National Women’s Month

Nakikisa ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa pagdiriwang ng 2021 National Women’s Month.

Dahil dito, may inihandang programa ang PCSO na may temang “MEGA ticket para kay JUANA”.

Sa nasabing programa, makakatanggap ng libreng P100 worth ng Mega Lotto 6/45 ticket ang ilang mapapalad na kababaihan.


Sa PCSO Main office sa Mandaluyong City, makakatanggap ng premyo ang unang limampung (50) kababaihan na tataya sa P20 lotto ticket.

Habang sa PCSO Branch office naman sa buong bansa, makakatanggap ng premyo ang unang labing-limang (15) kababaihan na tataya sa P20 lotto ticket.

Gaganapin ito sa March 29, 2021.

Facebook Comments