Patuloy na dumarami ang mga probinsyang nagdedeklara na ng state of calamity dahil sa hagupit ng bagyong Nina.Sa ngayon ay isinailalim na sa state of calamity ang buong lalawigan ng Batangas makaraang aprubahan ng sangguniang panlalawigan ang pagdedeklara nitoBagamat hindi lubhang naapektuhan ang buong lalawigan ng bagyong Nina, batay sa itinatadhana ng batas kapag may dalawang munisipalidad o lungsod ang nagdeklara ay maaring ilagay sa state of calamity ang buong probinsya.Kahapon, isinailalim ng bayan ng tingloy at Batangas City ang kanilang mga lugar sa state of calamity.Bukod sa Batangas, isinailalim na rin sa state of calamilty ang Calapan City at Puerto Galera sa Oriental Mindoro.
Facebook Comments