Nakatutok ngayon ang National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC sa mga lugar sa Mindanao na makakaranas ng epekto ng Bagyong Auring.
Ito ay matapos ang pagtaya ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na lalo pa lumakas ang Bagyong Auring habang tinutumbok ang mga rehiyon ng CARAGA at Davao maging sa iba pang bahagi ng Mindanao at ilang bahagi ng Visayas.
Batay sa ulat ng NDRRMC, nakapuwesto na ang kanilang mga tauhan maging ang mga ibibigay na tulong sa mga maaapektuhan ng bagyo.
Nakikipag-ugnayan na rin ang NDRMMC sa mga lokal na pamahalaan at sa mga kinauukulang ahensya katulad ng Department of Environment and Natural Resources o DENR para sa anumang posibilidad ng biglaang pagbaha o pagguho ng lupa.