Mga lugar na uunahing bigyan ng bakuna kontra COVID-19, tutukuyin na ng gobyerno

Nakatakdang tukuyin ng gobyerno ang mga lugar na uunahing bigyan ng bakuna kontra COVID-19 ayon sa Department of Health (DOH).

Ayon kay Health Sec. Fancisco Duque III, muli silang makikipagpulong sa Inter-Agency Task Force para pag-usapan ang mga lugar na uunahin sa pagpapabakuna.

Itinanggi naman ni Duque ang mga obserbasyong mas mabilis pang gumalaw ang ilang Local Government Units (LGUs) kaysa sa National Government pagdating sa pagbili sa bakuna.


Nabatid na ilan sa mga lugar na mayroon nang pondo para sa bakuna ay ang; Pasig, Valenzuela, Makati, Navotas, Puerto Prinsesa, Palawan, City of Manila, Taguig at iba pa.

Facebook Comments