Mga lugar sa bansa na may aktibong kaso ng African Swine Fever, umabot na sa 31

Inihayag ng Bureau of Animal Industry (BAI) na kumalat na sa 31 na lugar mula sa 13 na probinsya ang nakitaan ng aktibong kaso ng African Swine Fever (ASF).

Ayon kay BAI Director Reildren Morales, dumarami ang mga lugar na nagkakaroon ng ASF dahil sa pagiging resilient ng virus.

Ibig sabihin, kahit matagal nang walang outbreak sa isang lugar ay posibleng nasa paligid pa rin ang virus.


Samantala, nagsasagawa naman ng surveillance ang BAI sa mga lugar na walang kaso ng ASF.

Sa ngayon ay aabot sa 400 na munisipalidad sa bansa ang wala nang naitalang kaso ng ASF.

Facebook Comments