Mga Lugar sa Lambak ng Cagayan, Walang nasa Ilalim ng Critical Epidemic Risk Classification

152

Cauayan City, Isabela- Wala nang lugar sa Lambak ng Cagayan ang nasa ilalim ng ‘Critical Epidemic Risk Classification’ batay na rin sa datos ng Department of Health (DOH) Region 2.

Ang Critical Epidemic Risk Classification ay ang pinakamataas na classification na maaaring mapasailalim ang isang Lalawigan o Lungsod.

Nasa ‘High epidemic risk classification’ na lamang ang Tuguegarao City mula sa dati nitong classification na ‘Critical’ sa nakalipas na dalawang linggo.


Kasama rin na nasa ilalim ng ‘High’ classification ang mga lalawigan ng Cagayan, Isabela, Quirino at Nueva Vizcaya.

Ibig sabihin, ang mga lugar na nasa ilalim ng ‘High’ classification, ang Average Daily Attack Rate (ADAR) o bilis ng pagdapo ng virus ay bumaba sa nakalipas na dalawang linggo.

Samantala, nasa ‘Moderate’ classification naman ang mga lungsod ng Ilagan, Cauayan at Santiago habang nasa ‘Minimal’ classification naman ang lalawigan ng Batanes.



Gayunpaman, pinapaalalahanan pa rin ng kagawaran ang lahat na sumunod sa mga minimum health protocols dahil kahit bumaba ang mga klasipikasyon ng mga nabanggit na lugar ay mataas pa rin ang bilang ng mga aktibong kaso.

Facebook Comments