Mga lugar sa NCR na isinailalim sa granular lockdown, mas dumami

Mula sa 57, umakyat sa 272 ang mga lugar sa National Capital Region (NCR) na isinailalim sa granular lockdown dahil sa kaso ng COVID-19.

Ito ay batay sa ulat ng Philippine National Police (PNP) Command Center, kung saan 189 na lugar ang nasa area of responsibility ng Southern Police District (SPD).

Habang 69 na lugar ang sakop ng Manila Police District (MPD) at 14 na lugar sa Eastern Police District (EPD).


Nagmula ito sa 132 barangay sa apat na lungsod at munisipalidad, kung saan apektado ang 326 kabahayan at 486 na indibidwal.

Nanatili namang naka-deploy ang mga pulis at force multipliers para masiguro na masusunod ang health protocols.

Facebook Comments