Bumaba pa sa 102 ang mga lugar sa National Capital Region na nasa ilalim ng granular lockdown.
Ayon sa Philippine National Police (PNP), ito ay mula sa 105 na naitala kahapon na binubuo ng 54 na kabahayan, 33 residential buildings, 8 subdivisions at isang buong palapag ng residential building.
Para naman matiyak na nasusunod ang minimum health standards ay nasa 310 pulis at 241 force multipliers ang idineploy sa mga nakalockdown na lugar.
Samantala, umabot na sa halos 55,000 ang naitalang quarantine violators simula nang ipatupad ang alert level 3 sa kalakhang Maynila.
Kabilang na rito ang mga hindi sumunod sa minimum public health standards at lumabas ng kanilang bahay kahit hindi Authorized Person Outside Residence (APOR).
Facebook Comments