Mga Lugar sa Region 2, Wala nang nasa ‘High’ Epidemic Risk Classification

10

Cauayan City, Isabela- Bumaba na lamang sa ‘Moderate’ ang Epidemic Risk Classification ng buong rehiyon dos base na rin sa datos ng Department of Health Regional Office No. 2.

Ibig sabihin, ang Average Daily Attack Rate (ADAR) o bilis ng pagdapo ng virus sa buong rehiyon ay bumaba sa nakalipas na dalawang linggo.


Wala na ring lugar sa Lambak ng Cagayan ang nasa ilalim ng ‘Critical’ at ‘High’ Epidemic Risk Classifications’ na dalawang pinakamataas na classification na maaaring mapasailalim ang isang lalawigan/lungsod.

Nasa ‘Moderate’ classification naman ang lalawigan ng Quirino, Isabela, Nueva Vizcaya at Cagayan Kabilang din ang mga Lungsod ng Cauayan, Santiago at Tuguegarao.

Bumaba naman sa Low status ang City of Ilagan mula sa ‘Critical’ na status nito sa nakalipas na dalawang lingo habang nananatili sa ‘Minimal’ classification ang lalawigan ng Batanes.

Gayunpaman, pinapaalalahanan pa rin ng kagawaran ang lahat ng sumunod sa mga minimum health protocols dahil bagama’t bumaba ang mga klasipikasyon ng mga nabanggit na lugar, mataas pa rin ang bilang ng mga aktibong kaso.



Facebook Comments