Mga lumabag sa curfew ordinance sa Eastern part ng Metro Manila, umabot ng kulang-kulang 2,000 sa loob ng 45 days

Inihayag ni Police Brigadier Gen. Jophnson Almazan, Hepe ng Eastern Police District o EPD, na umabot ng 1,962 na mga indibidwal ang mga lumabag sa curfew ordinance ng ilang lungsod na sakop ng kanyang hurisdiksyon.

Aniya, ito sa loob lamang ng 45 araw mula March 15 hanggang April 28.

Mula sa nasabing bilang aniya, 1,873 nito binigyan lang ng babala, 88 ang nag multa at isa naman ang inaresto.

Mayroon naman 66 na mga pampublikong sasakayan ang mga hinuli ng dahail sa paglabag sa mga panunutunan ng Enhanced Community Quarantine o ECQ.

Naging matagumpay aniya ang EPD sa pagpatupad ng guidlines at protocols ng ECQ sa nakalipas na 45 araw.

Tiniyak naman niya na mas papaigtingin pa nila ang kanilang pagpapatupad ng ECQ sa kanyang nasasakupan lalo na’t pinalawig pa ito hanggang Mayo a-15.

Sakop ng EPD ang mga lungsod ng Mandaluyong, Marikina, San Juan at Pasig.

Facebook Comments