Pagpapatupad sa Alternative Learning System, isang malaking hamon sa gitna ng pandemic

Aprubado na ng Senado sa third and final reading ang Senate Bill Number 1365 o panukalang Alternative Learning System Act na isang programa sa ilalim ng Department of Education.

Ayon kay Senator Win Gatchalian, layunin ng ALS na bigyan ng libreng edukasyon ang hindi makapasok sa mga paaralan dahil sa kawalan ng kakayahan na magbayad ng tuition o di kaya ay naninirahan sa malalayo at liblib na lugar.

Pero aminado si Gatchalian na isang malaking hamon ang pagpapatupad ng ALS ngayong panahon ng pandemya at naghahanda na ang mga paaralan sa muling pagbubukas ng klase.


Sabi ni Gatchalian, tinutugunan din ng ALS Act ang pangangailangan sa patuloy na edukasyon sa kabila ng banta ng COVID-19.

Paliwanag ni Gatchalian, gagamitin ng ALS ang iba’t ibang paraan ng pagtuturo na kailangan sa ilalim ng tinaguriang ‘new normal.’

Kabilang dito ang digital learning, modular instruction, at pag-aaral gamit ang radyo at telebisyon.

Dagdag pa ni Gatchalian na ang pagtuturo sa ilalim ng ALS ay madalas ginagawa sa mga komunidad gamit ang mga Community Learning Centers, Barangay Multi-purpose Halls, o iba pang lugar na mapagkasunduan ng mga mag-aaral at kanilang mga guro.

Facebook Comments