Mga lumabag sa ECQ sa Datu Odin Sinsuat nasampulan, 10 arestado!

Nananatili sa kustodiya ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station ang 8 sa 10 mga inidibidwal na pinagdadampot ng kapulisan dahil sa paglabag sa protocol ng enhanced community quarantine sa gitna ng COVID-19 crisis.
Sa panayam ng DXMY kay DOS-MPS Chief Police Maj. Romel Dela Vega, dalawa sa mga ito ay menor de edad at nai-turn over na nila sa Municipal Social Welfare and Development Office.
Ang violation ng mga ito ay hindi pagsusuot ng face mask, hindi pagsunod sa social distancing at walang home quarantine pass habang nasa labas.
Noon pang hapon ng Huwebes, April 23 nahuli ang mga nabanggit.
Sinabi pa ni Maj. Dela Vega na ang mga violators ay nasampahan nila ng kasong paglabag sa R.A. 11332 o “Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act”, batas sa panahon ng COVID-19.
Kung mapapatunayan sa korte ang pagkakasala ng mga ito, posibleng makukulong sila ng mula isa hanggang anim na buwan ayon pa kay Maj. Dela Vega.
Maari namang magpyansa ang vilolators ng hindi bababa sa P5K.
Ang 10 violators ay pawang mga residente ng Sitio Tenoria, Awang Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.(Daisy Mangod)
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments