Mga lumabag sa ECQ, umabot na sa mahigit 93,000 indibidwal

Umakyat na sa 93,242 mga indibidwal sa buong bansa ang naitala ng Joint Task Force COVID Shield na lumabag sa ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine.

Sa bilang na ito 53,049 violators ay naitala sa Luzon; 17,380 violators ay naitala sa Visayas habang sa Mindanao ay 22,813 violators.

Ayon kay JTF COVID Shield Commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar, 66,063 sa mga violators ay pinagsabihan lang at pinauwi na habang ang 4,392 ay pinagmulta dahil sa paglabag.


Samantala nadagdagan rin at ngayon ay umaabot na sa 657 na indibidwal ang naaresto ng PNP matapos na mahuling nagho-hoard at nagbebenta ng overpriced medical supplies at mga pangunahing pangangailangan ngayong nakakaranas ng krisis ang bansa dahil sa COVID-19.

Facebook Comments