Umabot na ng 305 na mga indibidwal ang hinuli ng Muntinlupa City Police dahil sa paglabag sa mga panuntunan ng community quarantine.
Mula sa nasabing bilang, 197 nito ay lumabag sa curfew ordinance at 78 sa kanila ay nahuli dahil walang suot na face mask.
Habang ang 30 ay walang dalang quarantine pass.
Anim naman dito ay mga nasampahan na ng kaso at 60 naman ang binigyan ng warming dahil mga menor de edad pa.
Ayon sa Muntinlupa Philippine National Police (PNP), mahigpit nilang ipatutupad ang curfew hours ordinance, mandatory wearing of face masks, quarantine pass system, liquor ban, at iba pang mga panuntunan sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).
Katuwang ng Muntinlupa Police ang City Security Officers at Barangay Police upang matiyak na nasusunod at naipatutupad ang mga health protocol at quarantine guideline sa mga pampublikong lugar at business establishments ng lungsod.