Agaw bangkay sa mga labi ni NDFP Peace Consultant Randy Enchanis, kinondena ng grupong Bayan

Nagpahayag ng matinding pagtutol ang grupong Bayan matapos kunin ng mga pulis ang mga labi ni National Democratic Front of the Philippines (NDFP) Peace Consultant at Chairman ng Anakpawis na si Randy Enchanis.

Ayon kay Bayan Secretary General Renato Reyes, ngayon lang sila nakakita ng mga pulis na nang-aagaw ng bangkay kahit hawak na ng pamilya para paglamayan.

Hindi aniya katanggap-tanggap ang ginawang pang-iipit lalo pa’t nasa gitna ng pagdadalamhati ang pamilya.


Kasunod nito iginiit ng grupong Bayan na magkaroon ng independent investigation sa nangyaring pagpatay sa NDFP consultant.

Sa ngayon, nananatiling nasa Pink Petals Memorial Homes ang mga labi ni Randy Enchanis at ito ay bantay sarado ng mga pulis.

Facebook Comments