Mga Lumabag sa Pagpapatupad ng Quarantine, Katuwang ng LGU Cauayan sa Pagrerepack ng Relief Goods

*Cauayan City, Isabela*- Kaagapay na rin ng Lokal na Pamahalaan ng Cauayan ang mga mahuhulihing lalabag sa pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine sa lungsod.

Ayon kay City Mayor Bernard Dy, magiging katuwang na ang mga mahuhuling lumabag sa mahigpit na pagpapatupad ng kautusan sa kabila ng banta ng covid-19 sa publiko sa pamamagitan ng pagrerepack ng mga ipapamahaging relief goods sa publiko.

Dagdag pa ng alkalde na ito ay paraan upang mapabilis ang pamamahagi ng mga relief goods subalit paglilinaw nito na ito ay bilang tugon na rin sa kakulangan ng mga magrerepack.


Panawagan nito sa publiko na mananatili sa F.L Dy Coliseum ang mga taong mahuhuling lalabag sa pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine sa sa lungsod.

Target din ng Lokal na Pamahalaan ang ‘zero case’ ng COVID-19 kaya’t doble ang ginagawang hakbang ng mga awtoridad sa mahigpit na pagpapatuapd dito.

Facebook Comments